Maraming bentahe ang Recto Bank o Reed Bank para sa mga Pilipino. Bukod sa mayaman ito sa isda at iba pang lamang-dagat, maaari rin itong maging major energy source para sa bansa. Ayon sa US Energy Information Administration, ang Recto Bank ay may 5.4 billion barrels ng oil at 55.1 trillion cubic feet ng natural gas, mula sa isang pag-aaral noong 2013.
Pero hindi pa ito pinakikinabangan ng Pilipinas. Bakit? Dahil inaagaw ito ng China. Madalas na hina-harass at tinataboy ng China Coast Guard ang mga barkong Pilipino na nagagawi sa Recto Bank. ‘Yan ay kahit pa malinaw na nasa loob ito ng exclusive economic zone ng Pilipinas. Tunghayan ang buong kuwento mula kay Rappler editor-at-large Marites Vitug. – Rappler.com
Presenter, writer: Marites Vitug
Producer, co-writer: JC Gotinga
Video editor: Jen Agbuya
Graphic artists: Andoy Edoria, Marian Hukom, DR Castuciano
Videographer: Errol Almario
Supervising producer: Beth Frondoso